logoMobile Chat Online & Fun
You surf offline, please Sign up or Log in.
Sign Up  Log In
kapag sinabi kong mahal kita
Kapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin
Salamat at nandyan ka.
Kapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin
Hinahanap-hanap pa rin kita.
Kapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin
Napapagod din ako,
Nanginginig ang aking mga kalamnan,
Nanlalambot ang aking mga tuhod,
Nangangawit ang aking mga braso.
Dahil pag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin
Pagpapaguran ko ito...
Hihintayin kita,
Susundan,
Susuyuin.
Dahil ang aking "mahal kita"
Ay hindi nagtatapos sa mahal lang kita.
Ang aking "mahal kita"
Ay mayroong pagtanggap na ito...
Ito ang hirap na kalakip ng pag-ibig.
Yakapin mo.
Kapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin
Malupit ang mundo
At mamahalin ko ang lahat ng kakampi mo.
Kaya't hayaan mong dumating ang mga bagyo
Hayaan mong malusaw ako sa araw,
Hayaan mong kumbinsihin kita na kakampi rin ako.
Ikaw na hantungang inaasam,
Ikaw na kwentong di pagsasawaan,
Ikaw ang sandali na parating inaalala,
Ikaw ang kailangan kong pahinga...
Ikaw ang paghinga.
Kapag sinabi kong "mahal kita"
Ang ibig kong sabihin
Masaya ako.
Dahil, Mahal, gaano man kahaba ang araw
Uuwi ako sa yo.
19-05-15 18:31:31 | by kimkimkim
Views: 51 | Like: 1 * Unlike: 2 *
Comments
No comments yet, be the first to comment... ;)
© 2015 - 2017 mobzzy.com